15 May 2025
Calbayog City
National

VP Sara, humingi ng proteksyon para sa kanyang pamilya makaraang tanggalan ng security detail ng PNP

NANAWAGAN si Vice President Sara Duterte sa kanyang mga supporter at mga kaalyado sa senado na tiyakin ang kaligtasan ng kanyang pamilya.

Kasunod ito ng pag-alis ng PNP sa pitumpu’t limang personnel na naka-assign para bantayan ang seguridad ng bise presidente.

Ginawa ni Duterte ang panawagan matapos hikayatin ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang PNP at AFP Personnel na mahusay sa unarmed combat at volunteering na bigyan ng karagdagang seguridad ang Vice President..

Bagaman na-appreciate niya ang mga suporta at panawagan ni Dela Rosa, sinabi ni VP Sara na hindi dapat sila mag-alala tungkol sa kanya, at sa halip ay ibigay ang nararapat na proteksyon sa kanyang ina, asawa, at apat na mga anak.

Binigyang diin ni Duterte na ang pagta-trabaho sa pamahalaan ay pag-aalay ng buhay para sa bayan, at lahat ng ito ay bahagi ng serbisyo.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.