27 March 2025
Calbayog City
National

ICC, hindi pipigilan ng Pilipinas sa pag-interview sa mga suspek sa Drug War, ayon sa Solgen

HINDI maaring pigilan ng Pilipinas ang mga prosecutor ng International Criminal Court (ICC) sa pag-interview sa persons of interest kaugnay ng imbestigasyon sa war on drugs ng nakalipas na Duterte administration.

Sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na maaring direktang tanungin ang persons of interest sa pamamagitan ng online, telepono, email, o face to face, basta may permiso ng mga naturang personalidad.

Walang binanggit na mga pangalan si Guevarra, subalit una nang inihayag ni Dating Senador Antonio Trillanes IV na kabilang sa itinuturing bilang suspek si Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Nakasaad din sa kopya ng order ng Office of the Prosecutor ng ICC na ipinost ni Trillanes sa X, ang pangalan nina dating PNP Chief Oscar Albayalde, dating CIDG Chief Romeo Caramat Jr., dating NAPOLCOM Commissioner Edilberto Leonardo, at dating PNP Intelligence Officer Eleazar Mata.

Pinanindigan naman ang SolGen ang pagkalas ng Pilipinas mula sa ICC, kasabay ng pagbibigay diin na walang legal na tungkulin ang bansa na tulungan ang naturang tribunal.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.