TINUKOY ng Northern Samar Provincial Government ang pitong karagdagang priority areas para sa local investment ngayong taon na magsisilbing gabay sa lokal na pamahalaan sa paghahanap ng potential investors.
Ayon kay Jhon Allen Berbon, pinuno ng Provincial Economic Development and Investment Promotions Office, ang pitong priorities ay idaragdag sa labintatlong focus areas para sa investment na tinukoy noong 2024 ng provincial government.
ALSO READ:
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Eastern Visayas, nakapagtala ng 0.7% Inflation noong 2025; pinakamababa sa loob ng 30 taon
Nanguna sa listahan ng additional local investment priorities ang renewable energy, sumunod ang value-adding and manufacturing activities, at creative industry.
Sinabi ni Berbon na ilang sektor at industriya ang idinagdag bunsod ng mandatory policies, na magiging kapaki-pakinabang para sa lalawigan.
