ARESTADO ang tatlong indibiduwal dahil sa pagbitbit ng baril gayung umiiral ang COMELEC election gun ban o paglabag sa RA10591.
Nasakote ang mga indibiduwal na sina Jude Payno, Jastin Ela at Raymond Mancol sa checkpoint sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Cagsumje Sta. Margarita, Samar ng PNP Sta. Margarita MPS sa pamumuno ni PLT Ebest S. Taping, Officer-in-charge, kasama ang iba pang unit ng pulisya.
Nangyari ang insidente alas 2:00 ng madaling araw ng Setyembre 21, 2023.
Nakumpiska sa mga ito ang (1) isang unit ng homemade firearm o mas kilala sa tawag na “Sumpak”, kasama ang (1) isang unit na Yamaha Mio Sporty na walang plaka o dokumento.