DUGUAN at wala ng buhay ang isang pump operator ng Intex Water Station sa Brgy. Cabatuan, Calbayog City.
Kinilala ang biktima na si Genaro Baragenio, apatnapu’t apat (44) na taong gulang at residente ng Brgy. Pilar Oquendo District, Calbayog City, Samar.
Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Calbayog, ikinuwento ng kasama ng biktima na umuwi lamang siya saglit para kunin ang kanyang baon, pero laking gulat niya nang datnang patay na ang biktima pagbalik niya.
Nakaupo habang nakasandal sa pader nang madatnan umano niya si Baragenio.
Narekober sa crime scene ang isang (1) unit na shot gun, tatlong (3) pirasong twelve guage ng shot gun at walong (8) pirasong basyo ng kalibre 45.
Patuloy ang imbistigasyon para sa pagkakilanlan ng suspek.