8 July 2024
Calbayog City
Entertainment

Zia Dantes pinarangalan bilang Most Outstanding Swimmer sa isang kompetisyon

IPINAGMALAKI ni Marian Rivera ang panganay na anak na si Zia na inaward-an bilang Most Exceptional Swimmer sa isang swimming competition.

Ibinahagi ni Marian ang magandang balita sa instagram at sinamahan pa niya ng snapshots at videos ng pagsali ni Zia sa kompetisyon.

Bukod sa prestigious swimmer award, nasungkit din ng panganay nina Marian at Dingdong Dantes ang tatlong gold medals matapos makuha ang top spot sa 25-meter backstroke, 25-meter butterfly, at 25-meter freestyle events sa 7-year-old girl’s category.

Matapos i-post ng aktres ang achievement ng anak, maraming netizens ang nagpaabot ng pagbati kay Zia at nagsabing may promising future ang bata na maging kinatawan ng bansa sa global at regional swimming competitions.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *