PABIRONG sinagot ng singer-songwriter na si Zack Tabudlo ang online comments na hindi maganda ang kanyang amoy.
Sa Facebook, nag-post si Zack ng litrato habang magkayakap sila ng bahista ng IV of Spades na si Zild.
ALSO READ:
Nilagyan niya ito ng caption na “di daw ako maasim sabi ni zild.”
Umani agad ito ng halos isandaan libong reaksyon, at mahigit 1,700 shares at daan-daang komento na nagbigay sa singer-songwriter ng mga positibong mensahe.
Ipinagtanggol din siya ng ilang fans na nagsabing natural lang na magkaroon ng amoy kapag pinagpapawisan.
Kumalat ang mga komento tungkol sa amoy ni Zack, kasunod ng kanyang performance sa paskuhan 2025 sa University of Santo Tomas.




