ANG estudyante mula sa University of the Philippines – Diliman na si Jhenoriel Rhey Sanchez ang Top 1 sa 2025 Bar Exams.
Nakakuha si Sanchez ng 92.70 percent na score.
Maliban kay Sanchez apat pang estudyante mula UP-Diliman ang pasok Top 20 na nasa Top 8, 10, 13 at 19.
Lima ring estudyante mula University of Sto. Tomas ang pasok sa Top 20 na nasa Top 2, 3, 5, at 7.
Dalawang estudyante naman ng Arellano University ang nasa Top 11 at 17.
Habang dalawa ding estudyante mula Ateneo De Manila University ang nasa Top 6 at 18.
Dalawa din ang mula sa University of the East na nasa Top 12 at 20.
May mga estudyante din ng De La Salle – Lipa, University of San Jose – Recoletos, University of La Salette, Bukidnon State University at UST – Legazpi ang nakapasok sa Top 20.
Samantala, umabot sa 5,594 mula sa 11,420 examinees ang nakapasa sa 2025 Bar Examinations.
Sa press briefing sa Korte Suprema, inanunsyo ni Bar Chairperson Associate Justice Amy Lazaro-Javier na ang bilang ng mga pumasa ay katumbas ng 48.98 percent ng kabuuang bilang ng bar takers.
75 percent ang passing grade na inaprubahan ng SC.
Itinakda ng Supreme Court sa February 6, 2026 ang Oath Taking at ang Signing of Roll of Attorneys para sa mga bagong abogado na idaraos sa Philippine Arena.




