NAREKOBER ang katawan ng mangingisda na unang napaulat na nawawala sa baybayin ng Barangay Cansiledes, Hernani, Eastern Samar.
Kinilala ang biktima na si Anthony Flores, limampung taong gulang, residente ng Barangay Naubay sa bayan ng Laurente.
Northern Samar at DOE, pinagtibay ang ugnayan para sa sustainable energy
Calbayog City Mayor Monmon Uy, bumisita sa Marikina City para sa benchmarking activity
2 sitio sa Leyte, napailawan na makalipas ang ilang taong kawalan ng kuryente
DTI, namahagi ng tulong pangkabuhayan sa mga lugar na dating apektado ng mga bakbakan sa Leyte
Ayon sa report ng Police Regional Office (PRO) 8, unang napaulat na nawawala si Flores matapos pumalaot kasama ang bente singko anyos na si Ian Allestre noong Jan. 2, sa kasagsagan ng masamang panahon dulot ng Shear Line.
Nasagip si Allestre ng mga residente sa Barangay Alog sa Salcedo noong Jan. 5 matapos madiskubreng palutang-lutang sa karagatan sa loob ng labintatlong oras.
Natagpuan naman kahapon ng madaling araw ang katawan ni Flores sa Atang Beach sa Hernani, na nakadapa sa mababaw na bahagi ng dagat, at wala ng buhay.
Inihayag ng pulisya na nakatulong ang tattoo sa kaliwang dibdib ng mangigisda upang makumpirma ang kanyang pagkakakilanlan.
