Itinanggi ng City Government ng Malabon na hinahanapan ng “Malabon Ahon Blue Card” ang mga nasa evacuation centers bago sila bigyan ng ayuda.
Ayon sa pahayag ng Malabon City LGU, walang hinihinging “Malabon Ahon Blue Card” o anumang ID upang makatanggap ng tulong ang mga naapektuhan ng sunog sa lungsod.
ALSO READ:
Mahigit 200 pulis, ide-deploy para sa 2025 MMFF parade ngayong Biyernes
Guro sa Maynila, inaresto dahil sa umano’y pagbabanta at pamimilit sa 1 estudyante na kumain ng ipis
MMDA nabahala sa tambak na basura sa pumping stations ilang araw bago ang Pasko
MMDA, magpapatupad ng Lane Closure at Stop-And-Go Scheme sa Makati sa Dec. 19 para sa MMFF 2025 Parade
Lahat ng pamilyang naapektuhan ng sunog ay agaran na nabigyan at patuloy na nakatatanggap ng pagkain, tulong, at iba pang pangangailangan mula sa unang araw ng kanilang paglikas.
Hinikayat ng LGU ang mga residente na maging mapanuri sa mga impormasyon sa social media at iwasan ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon.
