PATULOY ang paglobo ng bilang ng mga indibidwal na inilikas sa Gaza strip dahil sa digmaan sa pagitan ng Israeli Forces at Palestinian Islamist Group na Hamas.
Sa datos ng U.N Humanitarian Agency, pumalo na ito sa mahigit tatlundaang libo at tatlumpu katao makaraang madagdagan pa ng pitumpu’t limanlibo sa loob ng dalawampu’t apat na oras.
Sa nasabing bilang, mahigit dalawandaanlibo naman ang nananatili sa mga paaralan.
Nabatid na ang patuloy na palitan ng artillery at rocket strike ng Israel at Hamas ay nagresulta sa pagkawasak ng halos dalawandaanlibo at dalawampung tirahan sa Gaza, at kumitil sa buhay ng mahigit isanlibo katao.