PATAY ang isang High-Value Individual na kilala sa Illegal Firearms Trade matapos manlaban sa mga awtoridad sa Calbayog City, Samar.
Kinilala lamang ang suspek sa alyas na “Ron Ron,” residente ng Barangay Looc, sa naturang lungsod.
ALSO READ:
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Eastern Visayas, nakapagtala ng 0.7% Inflation noong 2025; pinakamababa sa loob ng 30 taon
Pagpapatibay sa Waste Management System, binigyang diin sa dayalogo sa Calbayog City
Ikinasa ng mga awtoridad ang entrapment operation sa Purok 2, Barangay Rawis, kung saan nakakutob ang suspek kaya pinaputukan nito ang poseur buyer at mga pulis.
Dahil dito, napilitan ang mga awtoridad na gumanti ng putok na ikinasawi ng illegal gun dealer.
Kabilang sa mga narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang .45 colt automatic pistol na may bala, hinihinalang iligal na droga, at buy-bust money na nagkakahalaga ng 15,000 pesos.
