IPINAG-utos ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso na dapat sa loob lamang ng mga paaralan isagawa ang lahat ng graduation ceremonies ng mga pampublikong elementarya at sekondarya sa lungsod.
Sa regular na management committee meeting, inatasan ng alkalde ang Schools Division Office sa lungsod na tiyakin na sa school grounds lamang idaraos ang lahat ng End of School Year Ceremony para makaiwas sa dagdag-gastos.
Ayon sa alkalde, mahalaga ang graduation para sa mga estudyante, pero dapat umiral ang pagiging praktikal.
Maaari kasing magdulot ng dagdag-bayarin sa mga magulang kung magrerenta pa ng venue para sa mga seremonya.




