IBINABA ng World Bank ang kanilang growth forecast para sa Pilipinas ngayong taon subalit inaasahan pa rin ang matatag na paglago sa medium term.
Ayon sa multilateral lender, mula sa 6 percent ay ibinaba nila sa 5.9 percent ang growth forecast para sa 2024, bunsod ng matinding epekto ng mga kalamidad na nagresulta sa mas mababa kaysa sa inaasahang paglago noong ikatlong quarter.
Nakaranas ang Philippine Economy, partikular ang agriculture sector, ng climate-related events, gaya ng El Niño at La Niña ngayong taon.
Noong nakaraang linggo ay in-adjust din ng economic managers ang growth target ngayong 2024 sa 6-6.5 percent mula sa 6-7 percent.