MAGLALABAS ang Department of Trade and Industry (DTI) ng bagong suggested retail price (SRP) guide kasunod ng pagtaas sa presyo ng mahigit animnapung items.
Ayon sa DTI, ang bagong listahan na magsisilbing gabay ng mga consumer ay inaasahang maire-release, bukas.
ALSO READ:
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Saklaw nito ang animnapu’t dalawang items, kabilang ang iba’t ibang brands ng sardinas, canned meat, evaporated milk, pinoy tasty at pinoy pandesal.
Inaasahang tataas din ang presyo ng mga kandila at baterya.
Sinabi ni DTI Assistant Secretary Agaton Uvero na ang price increase ay tinaya sa 2 percent hanggang 9 percent.