27 December 2025
Calbayog City
Local

Mga dating rebelde sa Northern Samar at Leyte, binigyan ng Safe Conduct Passes

SIYAM na dating rebelde sa Northern Samar at anim na iba pa sa Leyte ang inisyuhan ng Safe Conduct Passes (SCPs).

Senyales ito ng patuloy na progreso ng Amnesty Program ng pamahalaan na naglalayong isulong ang mapayapang reintegration at mabawasan ang Local Armed Conflict.

Sa northern Samar, ni-release ng National Amnesty Commission (NAC), sa pamamagitan ng Local Amnesty Board (LAB)-Catbalogan, ang SPCs sa siyam na benepisyaryo sa isang seremonya sa headquarters ng 19th Infantry Battalion ng army sa Barangay Opong, sa bayan ng Catubig.

Sa ngayon ay umabot na sa animnapu’t siyam na dating rebelde ang nag-apply para sa Amnesty.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).