KABUUANG pitundaan siyamnapung litro ng oil-water mixture at limang sako ng debris na kontaminado ng langis ang nakolekta mula sa sumadsad na MV Mirola 1 sa Bataan.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nakuha nila ang mga ito sa pamamagitan ng absorbent pads.
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, suspendido sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026
Arrest warrant laban kay Sarah Discaya at iba pang co-accused sa 96.5 million pesos na ghost flood control project, inanunsyo ni Pangulong Marcos
Ratipikasyon at transmittal ng Proposed 2026 National Budget, target sa Dec. 29
Patuloy na nagsasagawa ang PCG ng oil recovery at containmen operations habang binabantayan din ang oil spill booms sa concerned area.
Huwebes nang simulan ang recovery operations sa MV Mirola 1 na sumadsad sa bisinidad ng Sitio Quiapo, Barangay Biaan, sa bayan ng Mariveles noong July 31.
Bukod sa sumadsad na barko, nirerespondehan din ng PCG ang oil spill sa Bataan mula sa Motor Tankers na Terranova na may kargang 1.4 liters ng industrial fuel oil at Jason Bradley na may 5,500 liters ng diesel.
