SUPORTADO pa rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang PUV Modernization ng pamahalaan, sa kabila ng resolusyon ng senado na nagrerekomendang suspindihin ang programa.
Ginawa ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson, Atty. Teofilo Guadiz III ang paglilinaw, sa programa ng nagpo-protestang mga tsuper at operator na tumalima sa PUV Modernization Program sa Mendiola, Maynila, kahapon.
ALSO READ:
PNP, Pinamunuan ni Chief Nartatez sa Malawakang Paghahanda Laban sa Super Typhoon Uwan
Mahigit 9,000 personnel, dineploy ng DPWH para sa Clearing at Emergency Operations para sa Bagyong Uwan
Halos 500K Food Packs naipadala na sa mga LGU; RORO, Cargo Fees at Toll libre na para sa Emergency Responders at sasakyang maghahatid ng Relief
5 Dam sa Luzon, nagpakawala ng tubig sa harap ng banta ng Bagyong Uwan
Pagtiyak pa ni Guadiz, tuloy-tuloy ang programa at suportado ito ng pangulo at ng Department of Transportation hanggang sa matapos ang final stages ng modernisasyon.
Idinagdag pa ng LTFRB Chief na walang mangyayaring suspensyon.
