NAMAYAGPAG ang mga mangingisda mula sa Catbalogan City sa Samar Day Banca Race ngayong taon.
Ipinagdiwang sa naturang event ang mayamang maritime heritage ng Samar, at ibinida ang impresibong lakas ng mga lokal na mangingisda.
ALSO READ:
Karagdagang Potential Geosites sa Northern Samar, tinukoy ng mga eksperto
DSWD, nagbigay ng 24.8 million pesos na ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
Helicopter ng Air Force, nag-emergency landing sa Southern Leyte
Bayan sa Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Tino
Walang kapagurang nagsagwan ang mga lumahok habang naglalayag ng ilang kilometro sa Maqueda Bay sa bisinidad ng Barangay Payao hanggang Barangay Ubanon.
Tinalo ng Catbalogan City Boatmen ang labimpitong kalahok mula sa iba’t ibang lugar mula sa Samar para masungkit ang kampeonato at manalo ng labinlimang libong piso.
