LUMAWAK pa ang wildfires sa Southeast Region ng South Korea, dahilan para malagay sa panganib ang isang World Heritage Site at palikasin sa kanilang mga tahanan ang mga residente.
Inalerto ng mga opisyal sa Andong City na may 150,000 na populasyon, at kinaroroonan ng Hahoe Village na isang UNESCO World Heritage Site, ang kanilang mga residente na lumikas sa ligtas na lugar.
Patuloy sa paglagablab ang wildfires sa rehiyon, kaya itinalaga ng mga awtoridad ang mga apektadong teritoryo bilang “Special Disaster Zones.”
Pumatay na ng apat katao ang wildfires habang daan-daang indibidwal ang lumikas sa iba’t ibang lugar, simula noong Sabado.