Sa unang pagkakataon simula noong 2002, nakapasok muli ang koponan ng Pilipinas sa Semifinals ng Asian Games.
Ito’y matapos matakasan ng Gilas Pilipinas, sa score na 84-83, ang Iran.
Pinangunahan ni Justin Brownlee ang Gilas na nakapagtala ng 36 points, 8 rebounds at 4 assists.
Nag-ambag din si June Mar Fajardo ng 18 markers, 8 boards at 4 dimes, at si Scottie Thompson 11 points at 6 rebounds. Bunsod nito, makakaharap ng pambansang koponan ang host na China sa Semifinals.