Bumaba ng 41 percent ang dengue cases sa negros oriental simula Jan. 1 hanggang Sept. 2 kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon kay Provincial Health oOffice Chief, Dr. Liland Estacion, maiuugnay ang pagbaba ng dengue cases sa tumaas na public awareness, bunsod ng pinaigting na 5s kontra dengue campign ng Department of Health noong summer vacation.
Sa datos ng DOH-Negros Oriental, siyamnaraan at labimpitong kaso, kabilang ang tatlong nasawi ang naitala simula Jan. 1 hanggang Sept. 2.
Kumpara ito sa 1,552 dengue cases, kabilang anim na nasawi na naiulat sa kaparehong panahon noong 2022.