Mahigit labindalawa ang nasawi bunsod ng rabies sa Ilocos Norte simula marso hanggang setyembre ngayong taon.
Ayon sa Ilocos Norte Provincial Health Office, isa sa mga posibleng dahilan ng pagkamatay ng mga pasyente ay hindi agad nalapatan ng lunas ang impeksyon.
Humingi na ang Provincial Health Office sa Department of Health ng tulong at karagdagang supply ng rabies vaccine.
Pinaalalahanan naman ang publiko na ang first aid sa kagat o kalmot ng hayop ay hugasan ang sugat ng sabon at tubig sa loob ng sampung minuto at lagyan ng alcohol ang sugat kung kinakailangan.
Hinimok din ng DOH ang publiko na kumonsulta sa espesyalista sa pinakamalapit na ospital o animal bite center upang malunasan ang posibleng rabies infection mula sa sugat.