Iniutos ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagbaklas sa mga nag-viral na overlapping street signs sa Lungsod ng Maynila.
Paglilinaw ng alkalde hindi sa ilalim ng kanyang administrasyon nagsimula ang proyekto at inabutan na lamang niya ito.
ALSO READ:
Mahigit 200 pulis, ide-deploy para sa 2025 MMFF parade ngayong Biyernes
Guro sa Maynila, inaresto dahil sa umano’y pagbabanta at pamimilit sa 1 estudyante na kumain ng ipis
MMDA nabahala sa tambak na basura sa pumping stations ilang araw bago ang Pasko
MMDA, magpapatupad ng Lane Closure at Stop-And-Go Scheme sa Makati sa Dec. 19 para sa MMFF 2025 Parade
Base sa isinumiteng ulat ni City Engineer Armand Andres kay Moreno, umabot sa 39.9 million pesos ang ginastos para sa proyektong “Installation of Reflectorized Street Name Signages”.
Ipinatupad sa lahat ng anim na distrito sa Maynila.
Partikular na pinabaklas ng alkalde ang mga lumang signages upang maiwasan ang pagdodoble at kalituhan sa mga lansangan.
