GINAWARAN si Star for All Seasons Vilma Santos ng Hall of Fame Award sa 27th Gawad Pasado, sa Manila Tytana College, sa Pasay City.
Pinagkalooban si Vilma ng pinakamataas na pagkilala ng organisasyon matapos masungkit ang kanyang ika-limang Best Actress Trophy para pagganap sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024 entry na “Uninvited.”
ALSO READ:
Vic Sotto, sumailalim sa cataract surgery
Rhian Ramos at Sam Verzosa, in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram
Tagalog Voice Actor Jefferson Utanes na nasa likod ng boses nina Doraemon at Son Goku, pumanaw sa edad na 46
Pokwang, inamin na kapatid niya ang viral driver na binatukan ang lalaking nagtutulak ng kariton; comedian, nag-sorry
Una nang kinilala ng Award Giving Body ang Veteran actress sa pagganap nito sa mga pelikulang “Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?” (1998), “Anak” (2000), “Dekada ‘70” (2002), at “Everything About Her” (2016).
Sa panayam, sinabi ni VIlma na sa kabila ng pananatili sa industriya sa loob ng mahigit anim na dekada, bawat award ay mahalaga pa rin sa kanya.
