ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Veteran Print Journalist na si Dave Gomez bilang bagong kalihim ng Presidential Communications Office (PCO).
Kinumpirma ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro ang appointment ni Gomez, sa briefing, kahapon.
ALSO READ:
PNP, Pinamunuan ni Chief Nartatez sa Malawakang Paghahanda Laban sa Super Typhoon Uwan
Mahigit 9,000 personnel, dineploy ng DPWH para sa Clearing at Emergency Operations para sa Bagyong Uwan
Halos 500K Food Packs naipadala na sa mga LGU; RORO, Cargo Fees at Toll libre na para sa Emergency Responders at sasakyang maghahatid ng Relief
5 Dam sa Luzon, nagpakawala ng tubig sa harap ng banta ng Bagyong Uwan
Si Gomez ang ikalimang kalihim ng PCO na itinalaga, simula nang mag-umpisa ang Marcos Administration.
Kabilang sa mga humawak sa naturang posisyon ay sina Trixie Angeles, Cheloy Garafil, Cesar Chavez, at Jay Ruiz.
Samantala, inilipat naman si Ruiz bilang miyembro ng Board of Directors ng Manila Economic and Cultural Office sa Taiwan.
