NANAWAGAN ang actress at TV host na si Maine Mendoza sa publiko na huwag magalit at personal na atakihin ang kanyang mister na si Quezon City 1st District Rep. Arjo Atayde.
Ito matapos isama ng mag-asawang contractor na Curlee at Sara Discaya si Atayde sa kanilang Sworn Affidavit, na naglalaman ng listahan ng umano’y mga kongresista na sangkot sa Flood Control Kickbacks.
Vic Sotto, sumailalim sa cataract surgery
Rhian Ramos at Sam Verzosa, in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram
Tagalog Voice Actor Jefferson Utanes na nasa likod ng boses nina Doraemon at Son Goku, pumanaw sa edad na 46
Pokwang, inamin na kapatid niya ang viral driver na binatukan ang lalaking nagtutulak ng kariton; comedian, nag-sorry
Umapela ang aktres sa publiko na mag-isip muna bago maniwala sa mga walang basehang akusasyon at huwag munang humusga hanggat hindi lumalabas ang katotohanan.
Sinabi pa ni Maine na ginagawa ni Arjo ang lahat ng makakaya nito para mapagsilbihan ang mga Constituent nito sa Quezon City.
Idinagdag ng TV host na umaasa siya maigagawad ang hustisya sa mga tunay na responsable at mapanagot ang mga ito, habang ang mga inosenteng indibidwal ay hindi makaladkad sa kontrobersiya.
