BILANG pagpapakita ng matatag na pagkakaisa at adbokasiya, nagsilbing tanglaw ng pag-asa ang makasaysayang San Juanico Bridge, nang ilawan ito ng kulay kahel.
Ang napakagandang tanawin ay nagsilbing matatag na simbolo ng katapatan ng Pilipinas na wakasan ang karahasan laban sa kababaihan, sa paggunita ng taunang 18-Day Campaign to End Violence Against Women na nagsimula noong Nov. 25 at magtatapos sa Dec. 12.
ALSO READ:
Calbayog City, pinagtibay ang Commitment para mapangalagaan ang kalusugan ng mga residente
Anti-Insurgency Projects, nakumpleto na sa Sogod, Southern Leyte
Mahigit 20 dating miyembro ng NPA, nakumpleto ang Skills Training sa Northern Samar
Publiko, binalaan laban sa pekeng Tower at Satellite CONNECTION Deals
Ang illumination ng San Juanico Bridge ay bahagi ng Impactful #orangeyouricon Campaign ng Philippine Commission on Women (PCW).
Layunin ng kampanya na pukawin ang atensyon ng publiko, simulang pag-usapan, at lumikha ng mga oportunidad para sa mga indibidwal na buksan ang talakayan at tugunan ang talamak na violence against women.
