ISANG barko na naka-angkora sa Navotas Centennial Park ang nasunog sa gitna ng malakas na hangin at ulan dulot ng Bagyong Enteng.
Ayon sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR), pasado alas nueve kahapon ng umaga nang tupukin ng apoy ang barko.
200K Units ng popular na Herbal Inhaler sa Thailand, pinare-recall sa merkado dahil sa Microbial Contamination
Kampo ni FPRRD, naghain ng apela sa Jurisdiction Ruling ng ICC
NAIA, may paalala sa mga biyahero ngayong Undas
ICI, inirekomendang kasuhan sina Senators Villanueva at Estrada, Dating Cong. Zaldy Co, at iba pang mga personalidad
Sinabi naman ni Fire Officer 1 Rachel Martinez ng BFP-Navotas na hindi agad naka-responde ang mga bumbero bunsod ng malakas na hangin at ulan, at matataas na alon.
Samantala, inihayag ni Mayor John Rey Tiangco na nasagip ng mga tauhan ng barangay at Coast Guard ang ilang tripulante ng barko, bagaman may isa pang napaulat na nawawala at kasalukuyan pang biniberipika.
Iniulat naman ng Navotas Public Information Office na dalawang barko rin ang sumadsad sa bahagi ng coastal dike sa Barangay Navotas West at nai-report na nila ang insidente sa Philippine Coast Guard.
