DARATING bansa sina US Secretary of State Antony J. Blinken at Secretary of Defense Lloyd J. Austin III.
Ito ay para sa nakatakdang U.S. – Philippines 2+2 Ministerial Dialogue na gaganapin sa Pilipinas sa July 30.
Sa pahayag ng US Embassy, makikipagpulong sina Blinken at Austin sa kanilang counterparts na sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Defense Secretary Gilberto Teodoro.
Sa naturang pulong inaasahang pagtitibayin ng apat na opisyal ang bisyon ng dalawang bansa sa pagkakaroon ng free at open Indo-Pacific Region at pagsuporta sa International Law.
Tatalakayin din ang mga pamamaraan kung paanong mapapalalim pa ang koordinasyon sa mga kinakaharap na hamon gaya na lamang ng usapin sa West Philippine Sea.