Guilty ang hatol ng federal jury sa anak ni US President Joe Biden na si Hunter, sa lahat ng tatlong federal felony gun charges na isinampa laban sa kanya, kabilang na ang paglabag sa batas na hindi dapat magmay-ari ng baril ang mga drug addict.
Ang singkwenta’y kwatro anyos na si Hunter Biden ang kauna-unahang anak ng isang sitting US President na na-convict sa isang krimen.
5 pang suspek, inaresto bunsod ng Louvre Heist sa Paris
Israel, muling umatake sa Gaza matapos akusahan ang Hamas na lumabag sa Ceasefire; 20 katao, patay!
Lithuania, isinara ang Border sa Belarus kasunod ng paglabag sa kanilang Airspace
Egypt at Red Cross, tumulong sa paghahanap sa labi ng mga bihag sa Gaza
Sa statement, sinabi ng nakababatang Biden na “disappointed” siya sa hatol, pero “grateful” siya sa pagmamahal ng kanyang pamilya.
Posibleng maharap si Hunter sa hanggang dalawampu’t limang taong pagkakakulong at multa na hanggang 750,000 dollars kapag ibinaba ang kanyang sentensya.
Ayon sa hukom, karaniwang tumatagal ng 120 days matapos ibaba ang hatol bago igawad ang sentensya.
