MAGBIBIGAY ang gobyerno ng Amerika ng isang milyong dolyar na halaga ng Humanitarian Aid sa mga naapektuhan ng bagyong Carina at pinaigting na habagat.
Sa statement ng US Embassy, magkakaloob ang US Agency for International Development (USAID) at ang Catholic Relief Services and Action Against Hunger ng food aid, hygiene kits, emergency shelter kits, malinis na tubig, at one-time cash transfers sa mga biktima ng kalamidad.
Kabilang sa mga makatatanggap ng ayuda ay mula sa Bulacan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Lanao del Sur, Maguindanao Del Norte, Maguindanao Del Sur, National Capital Region, at Pampanga.
Una nang inanunsyo ni US Secretary of State Antony Blinken ang assistance sa kanyang pagbisita sa bansa noong Martes, kasabay ng pag-abot ng pakikiramay at message of solidarity mula kay US President Joe Biden.