PINURI ni Vice President Sara Duterte ang labingwalong dating mga sundalo na nagbunyag ng umano’y pondo para sa ICC investigators.
Ayon sa bise presidente, hanga siya sa tapang ng mga dating security personnel ni Zaldy Co na lakas-loob na ibinunyag ang kanilang nalalaman.
Sinabi ni VP Sara na noon pa ay may mga impormasyon na tungkol sa pakikipag-ugnayan ng ilang opisyal ng Pilipinas sa mga imbestigador ng ICC.
Sumulat pa umano siya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at nangako naman itong hindi makikipag-cooperate sa ICC
Iginiit ni VP Sara na ang isyung ito ay hindi usaping pampulitika o simpleng alitan ng mga personalidad.
Ito aniya ay tungkol sa pambansang soberanya at sa limitasyon ng panghihimasok ng mga dayuhang institusyon sa domestic affairs ng bansa.




