PANIBAGONG pagtaas sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) products ang sumalubong sa mga consumer pagpasok ng buwan ng Agosto.
Sa advisory, sinabi ng Solane na tumaas ng 27 centavos per kilogram ang presyo ng kanilang cooking gas.
30 centavos per kilogram naman ang idinagdag ng Petron Corporation sa kanilang LPG.
Ayon sa oil companies, ang pagtaas ay repleksyon ng International Contract Price ng LPG para sa buwan ng Agosto.
Matatandaang tumaas din ang presyo ng cooking gas nitong nakaraang buwan ng Hulyo.