15 February 2025
Calbayog City
Local

Grand Parksyadahan, binuksan sa Calbayog City

OPISYAL na binuksan nina Samar Governor Sharee Ann Tan, Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy, at Vice Mayor Rex Daguman ang Grand Parksyadahan sa Calbayog City Coastal Diversion Road sa pamamagitan ng ribbon-cutting.

Itatampok sa Grand Parksyadahan ang makulay at kapana-panabik na event, partikular ang mayamang kultura at pamana ng Calbayog City.

Magkakaroon ng food stalls, music, performances, at patikim ng local traditions at artistry.

Ang opening ceremony na dinaluhan din ng iba pang mga lokal na opisyal, ay nagpapatunay sa kahalagahan ng Tandaya Festival, maging ang commitment ng lungsod na mapanatili at ipagdiwang ang cultural heritage.

Inaasahang makahihikayat ng maraming tao ang event, at mapagsama-sama nito ang mga residente at panauhin sa pagdiriwang ng kapistahan.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).