7 February 2025
Calbayog City
Local

Bagong Pilipinas Fair, inaasahang makapagsisilbi sa 253K na indibidwal sa Eastern Visayas

TINAYA sa 253,000 na mga residente sa Eastern Visayas ang inaasahang makikinabang sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa Tacloban City at sa lima pang lugar sa rehiyon simula ngayong Biyernes hanggang bukas.

Sinabi ni Tingog Party-List Rep. Jude Acidre na 241 na mga miyembro ng Kamara sa pangunguna ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez at daan-daang National Government Officials ang magtutungo sa Tacloban para saksihan ang paghahatid ng mga serbisyo.

Sa press briefing sa Leyte Normal University, kahapon, inihayag ni Acidre na kabuuang 1.25 billion pesos na halaga ng mga programa at serbisyo ang dadalhin sa buong rehiyon, at 807.42 million pesos ay nasa porma ng cash assistance.

Sa pamamagitan ng 56 participating national government agencies, 328 services ang iaalok sa mahigit 253,000 expected beneficiaries sa Festival of Services sa BPSF Eastern Visayas.

Kabilang sa iba pang lugar kung saan gaganapin ang BPSF ay sa Samar, Northern Samar, Eastern Samar, Southern Leyte, at Biliran.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).