28 April 2025
Calbayog City
Entertainment

Pamilya Muhlach, nagdeklara ng giyera sa gitna ng kontrobersyal na isyu

MATAPOS mag-post ng cryptic message ang aktor na si Niño Muhlach, agad namang sumunod ang kanyang misis na si Diane Tupaz at nagbahagi rin ng cryptic post sa Facebook.

Sa post ni Diane na bakas ang matinding galit, nakasaad na pinalaki at iningatan nilang mabuti ang kanilang mga anak na puno ng pagmamahal at pag-aaruga tapos ay wawalangyain lang ng kung sinong nilamon ng kademonyohan sa katawan para gawan ng kababuyan.

Nangako rin si Diane na gagawin nila ang lahat para makamit nila ang hustisya at kailangan managot ang dapat managot, at nilagyan niya ang kanyang post ng hashtag na #justiceshouldprevail.

Unang nag-post si Niño ng cryptic post na “INUMPISAHAN NYO, TATAPUSIN KO!”

Kasunod ng post ng aktor ay naghinala ang netizens na ang anak nitong si Sandro ang tinutukoy sa blind item na sekswal na inabuso ng dalawang TV consultants pagkatapos ng event ng malaking TV Network sa isang hotel sa Taguig.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).