Bandang 9:30 ng gabi kahapon Disyembre 25, 2023 sa Brgy. East Awang, Calbayog City ng pagbabarilin ang isang empleyado ng City Veterinary Office.
Nakilala ang biktima na sina Alfredo Casimero, apatnaput anim (46) na taong gulang, empleyado ng City Veterinary Office at Daniel Romano, labing siyam (19) na taong gulang pawang nakatira sa Purok 7 Brgy. East Awang, Calbayog City.
Nabatid sa inisyal na imbestigasyon na habang ang biktima na si Daniel kasama ang kanyang mga kaibigan ay nakaupo sa upuang kahoy sa tabi ng fish market na matatagpuan sa nabanggit na lugar at habang si Alfredo ay nakatayo sa tabi nila upang umihi nang lumitaw ang dalawang lalaki na armado ng hindi pa matukoy na baril at walang anumang dahilan ng pagbabarilin ang mga biktima ng maraming beses.
Pagkatapos ay bumagsak si Alfredo habang si Daniel ay nakatakas mula sa isang napipintong kamatayan at ang sinabing mga suspek ay tumakas patungo sa direksyong timog sa diversion road sakay ng isang motorsiklo. Matapos maramdamang wala na ang mga suspek sa paligid, tinulungan si Daniel at agad na dinala sa Calbayog District Hospital para malapatan ng medikal na lunas.
Samantala, agad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga duty PNP personnel ng istasyon para sa posibleng pagkakakilanlan sa pag-aresto sa tumatakas na suspek habang prinoseso naman ng mga tauhan ng SOCO ang pinangyarihan ng krimen.