TUMAAS sa labinlima kaso ng leptospirosis sa Eastern Visayas sa unang anim na linggo ng 2025, mula sa siyam na naitala sa kaparehong panahon noong 2024.
Bunsod ito ng pagbaha na dulot ng madalas na pag-ulan sa rehiyon simula noong huling bahagi ng nakaraang taon.
ALSO READ:
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
DOH-8, sinuri ang kahandaan ng mga ospital para sa holiday-related emergencies
Sinabi ni Jelyn Lopez-Malibago, information officer ng Department of Health Region 8, na na-detect ang mga kaso sa mga lalawigan ng Leyte, Northern Samar, at Eastern Samar, pati na sa Tacloban City.
Idinagdag ni Lopez-Malibago na wala namang clusters ng mga kaso, at wala ring nasawi bunsod ng leptospirosis.
Resulta aniya ito ng mataas na kamalayan tungkol sa sakit at pagpapakonsulta o pagpapagamot ng mga residente.
