5 July 2024
Calbayog City
National

Unemployment rate sa bansa, bahagyang bumaba sa 4.4 percent noong Agosto

psa

Bahagyang nabawasan ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa noong Agosto, ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA.

Sa datos ng ahensya, bumaba ito sa 4.4% o katumbas ng 2.21 million mula sa 4.8% o 2.27 million jobless Filipinos noong Hulyo.

Bahagya namang tumaas ang employment rate sa 95.6% o 48.07 million mula sa 95.2% noong July, habang umabot sa kabuuang 50.29 million individuals sa labor force ang aktibong naghahanap ng trabaho.

Kabilang naman sa limang sub-sector na nakapagtala ng pagtaas sa bilang ng mga manggagawa noong Agosto ang fishing and aquaculture, construction, agriculture and forestry, human health and social work activities, at administrative and support service activities.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *