MAGTATALAGA ng dalawangdaang health emergency responders ang Department of Health sa pista ng Poong Nazareno sa January 9.
Sa isang panayam sinabi ni DOH Spokesperson at Assistant Secretary Albert Domingo na posibleng madagdagan pa ang bilang ng deployment depende sa operational needs.
Aalertuhin din ang mga ospital sa Metro Manila para handa silang tumanggap ng mga pasyente sakaling may masugatan o masaktan sa kasagsagan ng prusisyon.
Bagaman kakatapos ng pag-iral ng nationwide “Code White Alert” para sa holiday season, sinabi ni Domingo na iiral pa rin ang alerto sa mga pagamutan sa Metro Manila at kalapit na mga lugar para sa Traslacion.




