20 August 2025
Calbayog City
Business

Turismo, inaasahang mag-aambag ng 5.9 trillion pesos sa ekonomiya ng Pilipinas

INAASAHANG mag-aambag ang Travel and Tourism Sector ng 5.9 trillion pesos sa ekonomiya ng bansa ngayong 2025, ayon sa World Travel & Tour Council (WTTC).

Batay sa kanilang 2025 Economic Impact Research Report, ang bagong record ay kakatawan sa one-fifth o 21% ng National Gross Domestic Product (GDP), na magsesemento sa lugar ng Travel and Tourism bilang backbone ng Philippine Economy.

Target ng economic managers ang 6 to 8 percent na GDP Growth ngayong taon hanggang sa 2028.

Tinaya rin ng WTTC na makalilikha ng 11.7 million na trabaho ang Travel & Tourism Sector hanggang sa katapusan ng 2025.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).