2 November 2025
Calbayog City
Metro

Tubig-ulan na bumuhos sa buong buwan ng Hulyo, 40% na ng taunang average ng pag-ulan, ayon sa MMDA

BATAY sa datos ng Effective Flood Control Operation System o EFCOS ng Metropolitan Manila Development Authority, umabot sa 956 millimeter na pag-ulan ang naitala noong buwan lamang ng Hulyo 2025.

Ayon sa MMDA, ito ay 40 percent na ng taunang average na pag-ulan, na nasa 2400 millimeter.

Ang MMDA-EFCOS ay nakapwesto sa Science Garden Station ng PAGASA sa Quezon City.

Ibig sabihin ayon sa MMDA sa loob lang ng isang buwan, malaking porsyento na ng inaasahang pag-ulan sa buong taon ang naitala.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.