12 July 2025
Calbayog City
National

Trilateral Phone Call Meeting nina Pangulong Marcos, US President Biden at Japanese Prime Minister Shigeru, sumentro sa Maritime Economic at Technology Cooperation

SUMENTRO sa maritime, economic at technology cooperation ang trilateral phone call meeting nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., US President Joe Biden at Japanese Prime Minister Ishiba Shigeru.

Pangako ng tatlong lider, palalakasin pa ang trilateral ties ng Pilipinas, Amerika at Japan.

Una nang nagkaroon ng trilateral summit sina Pangulong Marcos, Biden at dating Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa Washington DC, noong Abril 11, 2024 kung saan muling tiniyak ang mapayapa, secure at prosperous na Indo-Pacific na naka-angkla sa demokrasya, rule of law, at human rights.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang adoption ng trilateral joint vision statement noong Abril ay isang malaking progress sa pagpapatupad ng bilateral at trilateral cooperation ng tatlong bansa.

Sinang-ayunan naman ni Biden ang pahayag ni Pangulong Marcos at sinabing nagkaroon ng historic progress ang trilateral summit lalo na sa usapin sa maritime security, economic security, at technology cooperation.

Pinuri ni Biden si Pangulong Marcos sa diplomasyang pamamaraan sa pagtugon sa pagiging agresibo ng China sa South China Sea.

Binigyang diin naman ni Ishiba ang kahalagahan ng pagpapalalim ng trilateral cooperation ng tatlong bansa.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.