PINABIBILISAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbibigay ng ayuda sa mga magsasaka para masiguro na matutugunan ang agwat ngayong panahon ng pagtatanim.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang utos sa DA sa economic meeting sa palasyo ng Malakanyang.
Inatasan din ni Pangulong Marcos ang Department of Budget and Management (DBM) na tiyakin na maibibigay ang budget at maayos na nasusuportahan ang sektor ng agrikultura.
Tiniyak ng DA kay Pangulong Marcos na tataas ang ani ngayong taon kung mabibigyan ng sapat na abono, magandang kalidad ng binhi at mga teknolohiya ang mga magsasaka.