UMABOT sa mahigit isa punto limang milyong miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang nagtipon-tipon sa Quirino Grandstand sa Maynila para sa kanilang peace rally.
Sa pagtaya ng Manila Police District (MPD), nasa isa punto limang milyong INC Members na nagmula sa mga katabing lalawigan ng Cavite, Quezon, Tarlac, Nueva Ecija, at Zambales ang dumating sa Maynila para sa National Rally for Peace.
Sinabi ni MPD Deputy Director for Operations, Police Colonel Emil Tumibay, na maayos na maayos ang inilatag nilang seguridad.
Layunin ng National Rally for Peace ng INC na ipakita ang suporta sa posisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. laban sa impeachment kay Vice President Sara Duterte.