20 July 2025
Calbayog City
Province

Travel Agency sa Pampanga sangkot sa illegal recruitment, ipinasara

gig

Ipinasara ng Migrant Workers Protection Bureau (MWPB) at DMW Regional Office III ang isang isang travel agency sa Candaba, Pampanga makaraang matuklasan na sangkot ito sa ilegal na pagre-recruit ng mga Pinoy gamit ang tourist visa.

Ang GIG International Travel, Tours, and Manpower Agency (GIG) ay nag-aalok sa mga aplikante ng trabahong fruit picker at farm worker sa bansang Australia, kapalit ng sahod na 25 Australian dollars kada oras.

Siningil din ang mga aplikante ng processing fee na umaabot sa P75,000 hanggang P170,000, na hindi na maibabalik.

Bukod sa Australia, natuklasan din ng DMW na nag-aalok ang GIG ng trabaho bilang farm worker sa Japan, New Zealand, at South Korea gamit din ang tourist visa.

Alinsunod sa Republic Act No. 8042, mahigpit na ipinagbabawal ang anumang uri ng recruitment activities kung wala silang lisensya mula sa DMW.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).