UMAKYAT ng mahigit siyam na porsyento ang total assets ng Philippine banking sector, hanggang noong katapusan ng Enero.
Sa datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umabot sa 27.11 trillion pesos ang total assets ng banking sector sa unang buwan ng 2025.
Mas mataas ito ng 9.3 percent kumpara sa 24.81 trillion pesos na naitala noong January 2024.
Ayon kay Rizal Commercial Banking Corporation Chief Economist Michael Ricafort, consistent ang paglago ng total assets ng Philippine banks dahil kabilang ito sa most profitable industries sa bansa.