5 July 2024
Calbayog City
Local

Timbol at jeep na walang prangkisa, sisitahin na sa Calbayog City

calbayog city

HUHULIHIN na simula sa Lunes, Agosto 21, ang mga timbol at jeepney na pumapasada nang walang kaukulang prangkisa. 

Ayon kay Calbayog Public Order and Safety Office Officer-in-Charge Justo Luaton, maglalagay sila ng checkpoint para hulihin ang mga walang permiso na pumasada. 

Layunin ng hakbang ay upang maging maayos ang takbo ng mga pampasaherong sasakyan sa lungsod. 

Sa isinagawang public hearing sa noong August 14, 2023 ay napag-usapan din ang paglilinis ng mga kalsada kasama na ang pagtanggal sa mga nakasasagabal sa sidewalk. 

Ang naturang hakbang ay bilang pagtalima sa City Ordinance No. 2023-09-05, na nagbabawal at nagbibigay penalidad sa isang indibiduwal na nagdudulot ng obstruction sa kalye, sidewalks, mga iskinita, at ibapang pampublikong lugar sa nasasakupan ng lungsod.

Ipatutupad din ang ordinansa na nag-aatas sa mga service providers ng power, telephone, cable, TV, WIFI at ibapa na ayusin ang kanilang mga kab-le, at alisin ang mga wala nang silbi.

Tinakay din sa naturang public hearing ang pagkakaroon na ng ordinansa para sa taripa ng pamasahe. Iyon ay subject for review at publication na lamang at nakatakdang ipatupad pagkatapos ng naturang proseso.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *