NAGPAABOT ng pagbati si Gilas Pilipinas Head Coach Tim Cone kay Gilas-SEA Games Head Coach Norman Black at sa Gilas 5×5 Men’s and Women’s teams sa nakamit na tagumpay sa 2025 Southeast Asian Games.
Kapwa nanalo ang dalawang team ng gold medal sa kani-kanilang dibisyon sa katatapos lamang na Biennial Meet.
ALSO READ:
Team Philippines, naging matagumpay pa rin sa paglahok sa SEA Games kahit kinapos sa target
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Olympians na sina Eumir Marcial at Aira Villegas, umusad sa Boxing Finals sa SEA Games
Alex Eala, pinadapa ang pambato ng Thailand para makapasok sa Tennis Finals sa SEA Games
Pinadapa ng Men’s team ang host country na Thailand sa score na 70-64 sa gold medal match.
Napasakamay ding muli ng Women’s team ang gintong medalya matapos talunin ang koponan ng Thailand sa Finals sa score na 73-70.
Sinabi ni Cone na simula sa Game 1 ay hindi na naging madali ang mga laro, subalit gumawa sila ng mga paraan para manalo.
